Puso ko (mga oras na muntik nang maatake)
Isa na namang napakasayang Sabado na puno ng kababaliwan ang lumipas. Kumain kami ng Filipino buffet sa malapit na pub at nagkantahan buong araw (gamit ang magandang karaoke system nina Ed at Macy). Maraming dumating na Briton na sobrang energetic at luko-luko na nakisama sa kantahan. Napakataas ng energy level. So far, isa yun sa mga pinaka-lively na kantahan na naranasan ko. May mga nalalaman pang hawakan ng mga kamay habang lahat ay nakikisabay sa kanta.
Pero hindi yan ang ikukuwento ko ngayon. Survey sana ito pero nasobrahan ang pagkuwento kaya hanggang dalawang tanong na lang ang nakayanan.
1. Ano ang suot mo ngayon?
Isang napakalaking puting T-shirt na may maliit na logo na “Skyteam”. Sa sobrang laki nito ay para ko nang bestida. Naging paborito ko na ‘tong pambahay kasi mas madaling kumilos at hindi ako nasisikipan pag ito ang suot ko. Read the entire entry »