Ang nawawalang bawang at ang hindi natapos na kuwento
1. Bakit ka masaya ngayon?
Siguro dahil lately ay marami akong nakakausap na mga taong espesyal sa ‘kin – family (parents and siblings at mukhang masayang masaya sila), high school and college friends, PwC batchmates and officemates, UK ka-berks etc. Sa sobrang saya ko, hanggang ngayon ay ngiting ngiti pa din ako.
2. Ano naman daw ang balita?
Heto, ipa-plug ko na:
Magkakaroon ng mini-reunion ang SLU Accountancy Batch 2003 sa September 12 (Friday). Hindi ko alam kung na-finalise na ang venue pero either sa Serendra or sa Conti’s. Sa mga batchmates na nasa Pinas na humina ang radar at hindi nakasagap sa balita, pwede nyong i-send sa akin ang e-mail address nyo para maisama ko sa loop. Nakikigulo lang ako dahil siyempre hindi naman ako makakapunta.
3. Ano ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa pero dapat noon pa lang ay nagawa mo na?
Yung cabinet. Nung binili ko yun last year ay akala ako ready pero yun pala bahala akong mag-assemble. Mabigat yun at mahirap i-assemble. Sino na nga ba yung nagvolunteer na tutulong sa akin para dun? Nakalimutan ko na (nakaligtas siya dahil mahina ang memory ko). Pero heto, lilipat na kami’t lahat ay hindi ko pa rin naitatayo ang cabinet at sa tingin ko ay hanggang pangarap na lang ang ma-assemble yun. Tulong! Read the entire entry »